Malaysia isinauli ang mga plastic waste sa 13 bansa

Mga containers na nag-lalaman ng basura isinauli ng Malaysia sa 13 bansang pinang-galinga nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMalaysia isinauli ang mga plastic waste sa 13 bansa

Sinabi ng Malaysian government na sila ay nag-balik ng libo-libong plastic waste na naipasok sa kanilang bansa ng ilegal. Ang anunsiyo ay inilabas ang balita matapos ipangako na kikitilin ang ganitong gawain sa kanilang bansa.

Ayon sa mga opisyal, ipinabalik na nila sa 13 bansa ang ilang mga shipping container na naglalaman ng basura, kabilang rito ang bansang Japan.

Nuong Lunes, pinayagan ang media na kuhaan ng video ang mga containers na inilo-load ang mga cargo ship pabalok sa mga pinanggalingan nitong bansa. Sinabi ng Environment Minister na si Yeo Bee Yin, ang gobyerno ay magiging mahigpit sa mga ilegal na shipment ng mga basura.

Sinabi niya na mayroon pang 110 na containers na ipababalik sa mga bansang pinanggalingan nito ngayong summer.

Simula nang ipinag-bawal ng China ang pag-import ng mga plastic waste sa kanilang bansa 2 taon na ang nakakaraan, ang Malaysia ang naging major destinasyon ng plastic waste.

Ang nabanggit na bansa ay tumatanggap na lamang ng mga recyclable plastics, ngunit sinabi ng mga opisyal patuloy pa rin ang illegal dumping at smuggling ng basura.  Ang nasabing issue ay kumakalat na sa ilan rehiyon ng bansa.

Nuong nakaraang taon, pumayag ang Canada na kuhain ang ilang dosena ng container ng basura mula sa Pilipinas.

Ang nasabing shipment ay na-labeled na recycled waste.

Ngunit sinabi ng mga opisyal ng Pilipinas na ang basura ay halo-halo at may kasama pang maruming diapers.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund