Ang Japan Environment Minister na si Shinjiro Koizumi ay kukuha ng childcare leave matapos ipanganak ang kanyang panganay.
Nuong kinuha niya ang pwesto nuong Septyembre, sinabi ni Koizumi na ayaw niya ipaubaya ang lahat sa kanyang may-bahay. Sinabi nito na nais niyang tumulong sa gawaing bahay.
Nag-ooffer ng childcare leave para sa mga tatay ang bansang Japan, ngunit kaka-unti lamang ang gumagamit nito. Ayon sa Health and Labor Ministry nuong 2018, mahigit 80 porsyento na mga ina ang kumuha ng childcare leave ngunit 6 na porsyento lamang ng mga ama ang gumamit nito.
Ayon kay Koizumi, ang pag-uugali ng lipunan ukol sa pag-aalaga ng bata ay kailangang mabago. Igiit niya rin na dapat ang mga tatay rin ay payagang gumanap ng papel sa loob ng tahanan
Dinagdag rin ng Ministro na gusto niyang gamitin ang kanyang leave hanggat kailan ito maaring magamit basta’t ito ay hindi maka-aapekto sa kanyang trabaho.
Plano nitang gamitin ng Ministro ang kabuoang 2 linggo sa loob ng kanyang 3 buwang period ng leave matapos maipanganak ng kanyang anak sa pamamagitan ng pagpapa-ikli ng oras ng kanyang trabaho at teleworking.
Nais niya rin na maka-usap ang parliamentary vice-ministers at iba pang opisyal upang gawin ang kanyang trabaho habang siya ay lumiban dito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation