Ayon sa Japan Health Ministry, kumpirmado na ang ika-apat na kaso ng bagong coronavirus. Sinabi ng ministry noong Linggo na ang pasyente ay isang lalaki na turista sa kanyang edad na 40 mula sa lungsod ng Wuhan.
Sinabi ng mga opisyal ng ministry na dumating siya sa Japan noong Miyerkules at nagkaroon ng lagnat ng sumunod na araw.
Ayon pa din sa turista na pumunta siya sa isang institusyong medikal noong Biyernes para sa sakit sa mga kasukasuan at doon siya naospital.
Ayon sa mga opisyal, ang kundisyon ng lalaki ay stable. Sinabi rin umano ng lalaki na hindi siya angpunta sa seafood market sa Wuhan, kung saang pinaniniwalaan na maraming tao ang na apektuhan ng sakit at siya umano ay walang lagnat nang siya ay dumating sa Japan.
Ang 3 naunang kaso nito ay isang Chinese resident ng Japan na bumisita sa Wuhan at 2 turista mula sa siyudad.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation