Ang hapon na numero uno na manlalaro ng badminton na si Kento Momota ay nag-tamo ng pinsala matapos mabangga ang sinasakyan malapit sa Kuala Lumpur na kapitolyo ng Malaysia.
Ayon sa opisyal ng Fire Department, ang insidente ay nangyari bandang alas-5:00 ng madaling araw nuong Lunes.
Si Momota ay pasahero ng isang sasakyang bumabyahe sa express way patungong Kuala Lumpur International Airport na bumangga sa likuran ng isang truck.
Patay ang nagmamaneho ng sasakyan. Samantalang si Momota, 2 pang Hapones at 1 Briton ang nag-tamo ng pinsala. Agad na dinala ang mga pasahero sa pinakamalapit na ospital kung saan nilapatan si Momota ng lunas dahil sa baling ilong at hiwa sa bibig.
Si Momota, 25 anyos, ay nangunguna sa World rankings ng men’s badminton singles. Nanalo siya sa Malaysia Master Tournament na natapos nuong weekend.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation