Isang probinsya sa Pilipinas ang nag-deklara ng “State of Calamity”

Probinsya ng Batangas sa Pilipinas, nag-deklara ng State of Calamity.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang probinsya sa Pilipinas ang nag-deklara ng

Ang probinsya ng Batangas sa Pilipinas ay nag-deklara ng “state of calamity” sanhi ng pag-buga ng abo mula sa pag-sabog ng isang bulkan sa lungsod na nag-tulak sa 10,000 residente rito na lisanin ang lugar.

Ang pag-sabog ay naganap nuong Linggo malapit sa bunganga ng Taal Volcano sa isla ng Luzon, higit 60 kilometro timog ng kapitolyo ng Manila.

Ayon sa mga opisyal, makapal na usok ang inilabas ng bulkan na umabot sa 15,000 metro kataas.

Bumagsak ang mga abo mula sa bulkan sa buong rehiyon. Maraming residente mula sa probinsya ng Batangas at Cavite ang lumikas at nag-tungo sa mga shelters. Mula sa tantiya ng mga lokal na opisyal mayroong mahigit 18,000 evacuees.

Ang probinsiyang tinamaan ng matindi ay ang Batangas na nag-deklara ng state of calamity nuong Lunes, ang kanilang national funds o budget ay maililipat at gagamitin sa rescue operations at iba pang mga related efforts.

Pagka-tapos ng deklarasyon, nag-padala ang central government ng mga military troops at medical staff sa mga lugar na nasalanta. Nag-deliver ng supply pagkain at emergency relief ang mga military personnel, habang ang mga doktor ay ginagamot ang mga taong nagkaroon ng eye at respiratory problems sanhi ng abo mula sa bulkan.

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Level 4 ang alert level sa Taal, ito ang ikalawa sa pinaka-mataas. Ito ay nag-sasaad na posibleng magkaroon ng mapanganib na pag-sabog ang bulkan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund