Isang free self-driving bus service na babyahe sa mga ospital at paaralan ay mag-sisimula na mag-operate sa isang maliit na lungsod malapit sa Tokyo. Ito ay isasagawa alinsunod sa pag-liit at pag-tanda ng mga papulasyon ng bansa na nagpapa-hirap sa pagpapa-takbo sa sistema ng pampublikong sasakyan sa mga rural areas.
Ang mga opisyal sa bayan ng Sakai, Prepektura ng Ibaraki ay nagta-trabaho katulong ang mobile-phone carrier Softbank na tinatawag na SB Drive.
Simula ngayong Abril, ang mga nasabing bus ay babyahe ng round-trip ng 5 km palibot sa bayan. Ang nasabing sasakyan ay maaaring mag-sakay ng mahigit 11 katao.
Ito ay walang manibela o upuan para sa driver, at ito ay makokontrol remotely. Ngunit mayroon pa ring sasakay upang bantayan ang kalagayan ng sasakyan at mag-take control kung may nangyaring emergency.
Kinukunsidera din ng SB Drive na mag-offer ng ilan pang mga ruta sa mga lungsod.
Isang similar na self-driving bus service naman ang ngayon ay nag-ooperate na sa isang village sa Akita Prefecture, northern Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation