Ilan sa mga Japanese evacuees, nagpapakita ng sintomas

Ilang mga evacuees na hapon mula sa virus-infected city, nagpapakita ng sintomas ng sakit.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIlan sa mga Japanese evacuees, nagpapakita ng sintomas

Mahigit 200 evacuees ang dumating sa Haneda Airport ng Japan nitong umaga ng Miyerkules. Ayon sa mga opisyal, ang ilan sa mga ito ay nagpapakita ng sintomas tulad ng pag-ubo at lagnat. Sinabi ng mga ito na ang mga pasahero ay naka-tanggap ng medical exam sa loob ng eroplano. Ang lahat ng pasahero ay ipapadala sa isang medical facility upang sumailalim sa eksaminasyon at mga pag-susuri.

Ang apat na nagpapakita ng sintomas ay dinaka sa isang espesyal na medical institution para sa mga nakahahawang karamdaman.

Dalawa sa mga evacuees ang nakipag-usap pa sa mga reporter na nasa airport.  Ani ni Takeo Aoyama, “Ako ay natutuwa dahil ako ay naka-balik ng maayos sa Japan.”

Balak ng mga Japanese officials na mag-charter pa ng mga additional flights mula sa virus-hit city. Sinabi nila na mayroong higit na 650 katao sa Wuhan na nais na mapa-balik na sa Japan.

3 pang bagong kaso ng sakit ang kinumpirma na nakita sa Japan nuong Martes, kabuoang bilang ay 7 kaso na. Isa rito ay isang drayber ng bus sa Prepektura ng Nara na nag-tatrabaho kasama ang mga Chinese Tour groups.

Mga opisyal sa Tokyo ay gumagawa ng espesyal na protective measures. Ang mga tao ngayon ay maaaring maospital kahit walang permiso. Ang mga pasaherong pinag sususpetsahan na mayroong virus ay sasabihan na sumailalim sa mga medical test.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund