Ikinansela ng mga airlines ang mga byahe papunta at mula sa Pilipinas at sa karatig na isla ng Guam dahil sa binugang abo sa hangin ng bulkang malapit sa Maynila.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pag-sabog ng bulkan ay nagananp nuong linggo ng hapon malapit sa bunganga ng Taal Volcano, higit 60 km south ng kapitolyo ng bansa. Nagbigay din ito ng babala na maaaring pumutok pa ito ng mas malakas sa mga susunod na araw.
Wala pa namang naitatalang ulat ng mga napinsala sa kasalukuyan.
Tumaas na ng mahigit 15,000 metro ang usok mula sa bulkan, at umabot na ang volcanic ash hanggang Maynila. Namataan na rin na may umagos na lava mula sa bunganga ng bulkan nitong Lunes.
Ikinansela na ng mga airlines ang mahigit 240 byahe mula at papuntang manila international airport na mga naka iskedyul nitong Lunes.
Ang operator ng mga paliparan ay inaasahan pa na maraming byahe pa ang makakansela dahil nililinis pa nila ang mga abo na nagkalat sa paliparan.
Ang mga abong natipon sa paliparan ang siya rin dahilan umano ng pagka-kansela ng 14 byahe papunta at mula sa paliparan sa Guam.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation