Sinabi ng state-run media ng Tsina na napag-desisyonan ng mga travel agency na ikansela ang lahat ng group tours palabas ng bansa, simula sa mga amy schedule nitong Lunes. Sinabi ng China Central Televison na ang hakbang ay alin-sunod sa pakiusap ng pamahalaan upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng bagong coronavirus.
Ayon sa mga opisyal, ang bilang ng mga nahawa sa kanilang bansa ay tumaas na sa 1,300.
Ang mga awtoridad sa Hubei Province ay nag sabi na ang bilang ng mga pumanaw sa nasabing sakit ay tumaas na sa 52 katao. Dinagdag din nito na mayroon din pumanaw na 2 katao sa probinsya ng Hebei at Heiliongjiang. Samantalang mahigit 230 katao naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Inanunsiyo din ng mga opisyal ng Wuhan na ang hindi kailangang mga sasakyan ay hindi makapapasok sa sentro ng lungsod mula Linggo. 6,000 na taxi ang mag-bibigay ng libreng serbisyo.
Nagsagawa ng emergency meeting si President Xi Jinping sa Communist Party Leaders nuong Sabado, araw ng Chinese Lunar New Year.
Inilarawan ni Xi ang sitwasyon sa kanilang bansa bilang isang “libingan”. Iniutos niya sa mga “party committees at lahat ng level ng gobyerno” na gawing pangunahing prayoridad ang maiwasan at ma-control ang pag-kalat ng virus.
Ang mga dumalo ay nag-desisyon na mag-set up ng bagong task force na pumapailalim sa direktang control ng pamumuno ng partido. At sila ay nag-padala ng mga senior party officials sa Hubei Province kung saan nag simula ang outbreak.
Ang sakit ay patuloy na kumakalat sa buong mundo. 40 katao sa loob at labas ng 13 bansa at rehiyon ang nahawa. Ang awtoridad sa France ay nag ulat ng kauna-unahang 3 kaso ng sakit sa Europa.
Samantalang, isang Chinese national na naninirahan sa Vietnam at ang kanyang ama na bumisita mula sa Wuhan, ang nakumpirmang nahawa sa nasabing sakit. Ang World Health Organization ay nag sabi na ang kasong ito ay nagpapatunay lamang na ang sakit ay maaaring maisalin sa kapawa tao.
Isang miyembro ng WHO emergency committee ang nakapanayam ng NHK. Nag sabi siya ng pag-aalala ukol sa maaaring pag-kalat ng virus sa Vietnam.
Ayon kay Professor Wang Linfa ng Duke-NUS Medical School, “Kung ang unag kaso ay mayroong close contact sa komyunidad, malamang ang ating pinanganganbahan ay maaaring mangyari.”
Ini-ulat ng Wall Street Journal na inaayos ng gobyerno ng Estados Unidos ang isang charter flight ngayong Linggo upang palikasin ang mga mamamayan at diplomats ng Wuhan.
Ayon sa peryodiko, mahigit 1,000 US citizens ang pinaniniwalaan na nasa epidemic-stricken city.
Iniulat rin na may plano ang Washington na pansamantalang ipasarado muna ang konsulado ng Wuhan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation