Ginunita ng Japan ang ika-25 na taon mula noong Kobe earthquake

Ngayong Biyernes ay ginunita ang ika-25 taon mula noong malakas na lindol na tumama sa Hyogo Prefecture at kalapit na mga lugar sa kanlurang Japan na nagsanhi ng pagkamatay  6,434 katao. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGinunita ng Japan ang ika-25 na taon mula noong Kobe earthquake

Ngayong Biyernes ay ginunita ang ika-25 taon mula noong malakas na lindol na tumama sa Hyogo Prefecture at kalapit na mga lugar sa kanlurang Japan na nagsanhi ng pagkamatay  6,434 katao.

Ang lindol na kilala bilang ang Great Hanshin-Awaji earthquake ay naganap noong Enero 17, 1995, sinira nito ang maraming mga gusali at nagdulot ng mga sunog.

Sa isang park sa Kobe city, naglagay ng maraming mga bamboo lanterns upang gunitain ang mga biktima. Ang ilaw mula sa mga lanterns ay bumubuo ng mga numeri na “1.17” at pati na rin ang salitang Hapon na “kizamu,” na nangangahulugang “engraving”.

Ang salita ay pinili upang ipahayag ang kagustuhan ng mga tao na maipabatid sa mga kabataan ang memorya ng sakuna, mga aralin mula rito at ang muling pagbangon ng lungsod.

Ang gobyernong prefectural ng Hyogo ay kailangan pa ring magbayad ng balanse ng utang ng higit sa 1 trilyon yen, o mahigit 9 bilyong dolyar, na nagastos sa reconstruction na inabot ng 10 taon.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund