Dating empleyado ng Softbank inaresto at nagsalita patungkol sa Russia

Dating empleyado ng Softbank, arestado

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspDating empleyado ng Softbank inaresto at nagsalita patungkol sa Russia

Sinabi ng mga imbestigador ng Japan na sila ay may inaresto na dating empleyado ng higanteng telecommunication na nakabase sa Tokyo na SoftBank Corporation at umamin na nakatanggap siya ng personal na benepisyo mula sa isang opisyal ng Russia.

Apatnapu’t walong taong gulang na si Yutaka Araki ang umano’y pumasok at kumuha ng kumpidensyal na impormasyon ng kumpanya sa isang corporate server noong Pebrero ng nakaraang taon. Siya ay naaresto noong Sabado sa hinala na paglabag sa isang batas na naglalayong pag iwas sa hindi patas na kumpetisyon.

Sinabi ni Araki sa pulisya na ipinasa niya ang impormasyon sa isang opisyal na nasa edad na singkwenta sa Trade Repesentation ng Russia sa Japan.

Sinabi ng mga imbestigator na paulit-ulit na nakikipagpulong si Araki sa opisyal sa mga lugar tulad ng mga restawran sa Tokyo at binanggit ni Araki na siya ay nakatanggap ng pera para sa pag-gamit sa kanya na personal.

Ayon sa pulisya na ang isang dating opisyal sa Trade Representation ay hinihinalang kasangkot din. Ang taong iyon ay nakabalik na sa Russia.

Hinihiling ng pulisya sa Russia sa pamamagitan ng mga diplomatikong channel upang magamit ang dalawa para sa pagtatanong. Sinabi ng pulisya na ang kumpidensyal na impormasyon ay tungkol sa kagamitan tulad ng mga istasyon ng telecommunication base na itinuturing na mahalagang imprastraktura at ang mga impormasyon ay may kaugnayan sa kanila ay isang aktibidad ng pag eespiya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund