Isang Chinese expert ang nag sabi na ang bagong coronavirus na may kaugnayan sa pneumonia outbreak sa kanilang bansa ay maaaring nag-mula sa mga wild animals tulad ng bamboo rats at badgers.
Si Zhong Nanshan ay nag-salita mula sa panayam ng isang state broadcaster CCTV nuong Lunes.
Si Zhong na namamahala sa outbreak kasama ang iba pang mga eksperto, ang vocal na kritiko ng gobyerno nang siya ay namahala sa SARS epidemic nuong taong 2003.
Sinabi niya na ang bagong virus ay ibang-iba mula sa pinagmulan ng SARS at MERS.
Dagdag pa niya na ito ang initial stage mula ng nagsimula ang outbreak, ang virus ay hindi pa masyado nakahahawa o lubhang mapanganib. Ngunit masyado pang maaga upang sabihin kung gaano ito ka-delikado, ani ni Zhong.
Sinabi rin ni Zhong na dapat maingat na i-monitor ang mga development ng nasabing bagong sakit.
Sinabi rin niya na mahigit 45 porsyento ng impeksyon ang tumama sa 2 distrito ng Wuhan na mayroong dalawang malaking seafood market na nag-bebenta rin ng mga wild animals.
Hindi pa raw nalalaman kung saan nag-mula ang naturang virus, ngunit maraming imbestigasyon ang isinasa-gawa at nag-sasabi na ito ay maaaring may kinalaman at nag-mula sa mga ibinebentang wild animals sa lugar at hindi ito galing sa mga ibinebentang lamang dagat.
Nananawagan si Zhong sa mga tao na huwag muna pumunta sa Wuhan, agad na komunsulta sa doktor kapag nakaranas ng mga sintomas tulad ng sakit na sipon at gumamit ng mga surgical mask upang hindi direktang masinghot ang virus droplets.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation