Nagpahayag na ang Health Commission ng China na kumitil na ng 9 na katao ang bagong coronavirus at sa kasalukuyan 440 na ang infected nito. Kinatatakutan na maaaring lumaganap ang virus sa kasagsag o pag pasok ng Lunar New Year ngayon taon kung saang ito ay ang pinaka-busy na travel season.
Isang Chineae official ang nag-sabi na sila ay makikipag-tulungan sa World Health Organization at iba pang mga nasyon.
Ang outbreak ay nag-simula sa lungsod ng Wuhan nuong nakaraang buwan at kasalukuyang kumalat na sa 13 probinsiya ng Tsina.
Sinabi rin ng opisyal na ang health commission ay inutusan ang Wuhan na magsa-gawa ng mahigpit na hakbang upang hindi na ito kumalat at iwasan o limitahan ang pag-pupulong o pag-sasama sama sa publiko.
May mga nakumpirma na rin na kaso nito sa mga bansa ng Japan, South Korea, Thailand at Taiwan, at sa ngayon dumagdag na rin ang Estados Unidos sa lumalawak na listahan.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention na isang US resident mula sa Washington State na nang-galing sa Wuhan kamakailan ay nadiagnose matapos makitaan ng mga sintomas ng Pneumonia.
Sinabi ng CDV na ang mga pasyente ay inoobserbahan sa kasalukuyan at nasa ligtas na kondisyon naman sa nagyon.
Maraming bansa ang gumagawa ng hakbang bago pa sumapit ang Lunar New Year holidays. Inaasahang maraming babyahe papunta o mula Tsina at iba pang mga bansa.
Sinabi ng World Health Organization na marami pang impormasyon ang kailangang malakap upang maintindihan kung paano kumakalat ang nasabing virus.
Magsasagawa ng emergency meeting sa Geneva ngayong Miyerkules ang UN Health Agency.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation