Ang mga turistang Chinese na bumibisita sa Japan na pabalik sa kanilang bansa ay bumibili ng mga facemasks upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa pagsiklab ng pneumonia na pinaniniwalaang sanhi ng isang bagong coronavirus.
Maraming mga manlalakbay na Chinese ang bumili ng mask sa isang botika sa lobby sa Narita Airport noong Huwebes.
Sinabi ng mga kawani ng botika na nagkaroon ng pag-akyat sa bilang ng mga Chinese na bumibili ng mga maskara mula ng naulat ang corona virus outbreak.
Sinabi ng isang babae mula sa Dalian sa Liaoning Province na ang mga facemasks ay tanyag na souvenir mula sa Japan dahil wala ito sa mga tindahan sa buong China.
Ang isang lalaki na taga-Ningbo sa Lalawigan ng Zhejiang ay nagsabing hindi siya labis na nag-aalala ngunit bumili siya ng ilang mga mask para sa kanyang pamilya at mga kaibigan dahil nagiging mahirap na itong hanapin sa China.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation