62 katao nahawaan ng bagong virus, ayon sa mga opisyal ng Wuhan

Bagong uri ng coronavirus na nag-mula sa Wuhan City sa China, kalat na sa mainland China, Japan at Thailand.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp62 katao nahawaan ng bagong virus, ayon sa mga opisyal ng Wuhan

Ayon sa mga awtoridad ng lungsod ng Wuhan sa Tsina, ang kabuoang bilang ng mga taong nahawaan ng bagong coronavirus na may kaugnayan sa pneumonia outbreak sa lungsod ay nasa 62 na.

Inanunsiyo ng mga opisyal pangkalusugan ng lungsod nuong linggo na mayroon silang kinumpirmang 17 bagong kaso na may kaugnayan sa sakit. 2 katao na ang binawian ng buhay, samantalang 8 naman ang nananatiling nasa kritikal na kalagayan. 19 katao naman ang nananatiling nasa ospital upang magpa-galing.

Ang balitang ito ay dumating sabay ng mga milyon-milyong Tsino ang naghahandang bumyahe bilang paghahanda sa kanilang week-long Lunar New Year holiday, na mag-sisimula sa ika-24 ng Enero. Ang mga opisyal sa mga paliparan at istasyon ng tren ay sinanay upang mai-screen ang temperatura ng mga byahero gamit ang isang device.

Samantalang ayon sa ulat Hong Kong’s South China Morning Post newspaper, mahigit 3 na ang nakitang kaso ng sinususpetsahang sakit sa mainland China sa labas ng Wuhan. Ayon sa peryodiko, ang 2 sa nasabing kaso ay naiulat sa southern Chinese City ng Shenzen at isa sa Shanghai. Ang nasabing 3 katao na nakitaan ng sakit ay ginagamot sa ospital.

Kung ang naiulat na inpeksyon ay nakumpirma, ito ang magiging kauna-unahang sakit sa mainland sa labas ng Wuhan.

Ini-ulat rin ng Japan ang kauna-unahang inpeksyon ng bagong coronavirus sa bansa nitong Huwebes. Isang Tsino na naninirahan sa Prepektura ng Kanagawa malapit sa Tokyo ang nakumpirmang mayroon ng nasabing inpeksyon matapos umuwi galing Wuhan. Sa bansang Thailand rin ay nag-kumpirmang mayroong 2 babaeng Chinese na turista mula Wuhan ang mayroon nuong nabanggit na sakit.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund