Sinabi ng pulisya ng Japan na ang online banking sa bansa ay isa ng krisis dahil sa sobrang laganap nito. Mas nabahala pa lalo ng mbilang ang mga nabiktima noong nakaraang buwan.
Sinabi ng Pambansang Ahensya ng Pulisya na may mga 50 na kaso ng hindi awtorisadong transfer sa bangko bawat buwan sa unang kalahati ng taon.
Ang bilang na ito ay nagsimulang tumaas noong Agosto, at tumaas hanggang sa 441 noong Setyembre. Noong nakaraang buwan, 776 milyong yen, o 7.1 milyong dolyar, ang ninakaw sa 573 na kaso. Ang parehong mga numero ay ang pinakamataas mula nang magsimula ang pagrecord ng pulisya.
Sinabi ng mga opisyal, ang mga biktima ay madalas na nata-target sa mga email na nagsasabing nagmula sa tunay na mga institusyong pampinansyal. Ang mga mensahe ay nagdadala sa kanila sa pekeng mga website, kung saan pinapasok nila ang kanilang mga banking ID at password.
Source: NHK World
Join the Conversation