Matsue Castle, nililinis bago sumapit ang Bagong Taon

Taunang paglilinis ng Matsue Castle sinimulan na, bilang pag-hahanda sa pagdiriwang sa darating na Bagong Taon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMatsue Castle, nililinis bago sumapit ang Bagong Taon

Mayroong halos dalawang linggo bago sumapit ang Bagong Taon, nililinis ng mga tao ang Matsue Castle sa western Japan – isang itinalagang kayamanan ng bansa.

Ang tore ng kastilyo ay nililinis ang paligid nito bawat taon sa panahong  ito.

Halos 100 mga miyembro ng lokal na grupo ang nagbo-boluntaryo at iba pa ay nagtipon ng maaga ng Linggo ng umaga.

Ang ilan ay ginamit ang mga kawayan pinag- dikit dikit nang higit sa limang metro ang haba na may mga dahon ng kawayan sa isang dulo upang linisin ang tore at mga panlabas na dingding. Ang iba ay gumagamit ng basahan upang mag-punas ng mga poste, bintana at sahig.

Isang tao ang nagsabi na isang magandang pagkakataon na linisin ang isang pambansang kayamanan kasama ang isang bata.

Sinabi ng isang bata na nasiyahan siya sa paglilinis ng kastilyo.

Sinabi ng isang lalaki na nasa edad na 60 na naramdaman niya na na-refresh matapos tulungan na linisin ang kastilyo. Sinabi niya na handa siyang ipagdiwang ang Bagong Taon.

400,000 mga tao ang bumibisita sa Matsue Castle bawat taon. Ang mga bisita sa Araw ng Bagong Taon ay maaaring tumingin sa unang pagsikat ng araw ng taon mula sa tuktok ng tower ng kastilyo, na may taas na 30 metro.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund