Hokkaido monkey, nagre-relax sa mga hot springs

Tuwing lalamig na ang mga panahon, maraming mga Japanese ang nakagawiang magbabad sa mainit na onsen o ofuro. Hindi sila nag-iisa. Noong Lunes, dose-dosenang mga unggoy sa hilagang prefecture ng Hokkaido ang nagbabad din sa kanilang onsen. #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHokkaido monkey, nagre-relax sa mga hot springs

Tuwing lalamig na ang mga panahon, maraming mga Japanese ang nakagawiang magbabad sa mainit na onsen o ofuro. Hindi sila nag-iisa. Noong Lunes, dose-dosenang mga unggoy sa hilagang prefecture ng Hokkaido ang nagbabad din sa kanilang onsen.

Ang Hakodate Tropical Botanical Garden, na matatagpuan sa isang hot spring resort, ay pinupuno ng tubig ang kanilang onsen sa monkey park tuwing Disyembre. Ang mga staff ay pinapanatili ang temperatura sa 40 degrees Celsius.

Maraming mga bisita ang dumating upang kumuha ng litrato ng mga unggoy.

Ang isang lalaki na nasa edad na 60 mula sa Sapporo City ay nagsabing ang mga simian monkey ay mukhang relax na relax at ang cute pagmasdan.

Ang mga unggoy ay pinapababad sa mainit na onsen simula tagsibol hanggang sa unang bahagi ng Mayo sa susunod na taon.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund