Share
Ang mga opisyal sa Fukuoka Airport sa kanlurang Japan ay nagsabi na ang isang flight ng All Nippon Airways na patungong Haneda Airport ng Tokyo ay humiling na bumalik at mag emergency landing matapos makitaan ng problema sa engine.
Ang mga piloto ng Boeing 767 ay nakatangap ng pahintulot at ligtas na nai-landing ang eroplano bandang 10:00 a.m. noong Huwebes.
Walang namang naiulat na nasaktan sa mga pasahero at crew.
Source: NHK World
Join the Conversation