YOKOHAMA
Isang driver ng bus ang namatay at 22 katao ang dinala sa ospital matapos magkaroon ng salpukan ng maraming sasakyan sa isang highway tunnel malapit sa Tokyo, ayon sa pulis at mga bumbero nuong Miyerkules.
Ang aksidente ay nangyari bandang alas-11 ng gabi nuong Martes, matapos umapoy ang isang trak habang naglalakbay sa Bay Shore Route ng Metropolitan Expressway sa Kawasaki, Kanagawa Prefecture.
Dahil sa usok mula sa nasusunog na truck, naging mahirap makita ang daanan sa tunnel, mahigit sa 10 mga sasakyan kabilang ang isang bus ang nasangkot sa pileup.
Si Yoshinori Nakai, ang 50-taong gulang na driver ng bus, ay namatay sa aksidente, habang ang driver ng nasusunog na trak ay naka-takas sa sasakyan at naka-ligtas, sinabi ng pulisya.
Ang bus ay patungo sa Chiba Prefecture mula sa Yokohama. Nabangga ito ng isang hiwalay na truck sa pileup.
Ang pileup ay naganap ng ilang daang metro mula sa pasukan ng anim na linya na lagusan.
Source: Japan Today
Join the Conversation