Yahoo Japan at Line may negosasyon na pag-isahin na lamang

Ang Yahoo at app na Line mag-sasanib pwersa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspYahoo Japan at Line may negosasyon na pag-isahin na lamang

Ang mga operator ng Yahoo Japan at messaging app na Line ay ninanais na  pagsamahin ang kanilang mga negosyo. Ang punong kumpanya ng Yahoo na Z Holdings ay nagpatunay na may mga pag-uusap na nagaganap tungkol sa isang tie-up.

Sinasabi na ang Softbank Group, na kumokontrol sa Yahoo Japan, at Line Naver ay pinag-uusapan ang isang 50-50 na hatian upang mag-itatag ang isang bagong kumpanya. Ang Yahoo Japan at Line ay mag o-operate sa ilalim ng firm na ito.

Inaasahang matapos ang kasunduan sa pagtatapos ng buwan.
Ang Line ay isa sa mga pinakatanyag na apps sa pagmemensahe sa Japan, na may higit sa 80 milyong mga gumagamit. Ngunit ang mga pamumuhunan upang makuha ang higit pang mga customer ay bumaba.

Ayon sa mga eksperto, na umaasa ang Yahoo na ang base ng gumagamit ng Line ay makakatulong na palakasin ang mga platform ng serbisyo sa pananalapi, tulad ng mga pagbabayad sa mobile.

Matapos makumpirma ang mga pag-uusap tungkol tie-up, ang order sa pagbili ng share ay dumagsa sa Tokyo Stock Exchange, na nagpataas sa stock sa daily limit.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund