Survey: Negatibong impact mula sa paglalaro ng video games

Ang isang kamakailang survey ng Japan, binigyang diin ang nakapipinsalang epekto sa trabaho, pag-aaral, at kalusugan ng paglalaro ng mga video games ng matagala na oras. #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSurvey: Negatibong impact mula sa paglalaro ng video games

Ang isang kamakailang survey ng Japan, binigyang diin ang nakapipinsalang epekto sa trabaho, pag-aaral, at kalusugan ng paglalaro ng mga video games ng matagala na oras.

Ang random na kabuuang survey ay isinagawa ng National Hospital Organization Kurihama Medical and Addiction Center. Sakop nito ang higit sa 4,400 katao sa pagitan ng edad na 10 hanggang 29 na nagsabing naglalaro sila ng mga video game sa mga nakaraang taon.

Tinanong kung gaano karaming oras ang ginugugol nila sa paglalaro sa isang working day, karamihan sa mga sumasagot, o halos 40 porsyento, ay nagsabi ng mas mababa sa isang oras. Mga 27 porsyento ang nagsabi na sa pagitan ng isa at dalawang oras, at 14 porsyento ang nagsabi sa pagitan ng dalawa at tatlong oras. Halos 3 porsyento ang nagsabing naglalaro sila ng anim na oras o mas mahaba.

Ipinapakita ng survey na ang mas mahabang oraa ng paglalaro ng video ay mas malubhang nakaka-epekto sa buhay ng mga manlalaro.

Noong Mayo, kinilala ng World Health Organization ang napakalakas na pagkagumon bilang isang sakit na tinatawag na “gaming disorder” at hinikayat ang mundo na gumawa ng aksyon upang malabanan ito.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund