Ang supply ng tubig sa isang terminal ng Haneda Airport sa Tokyo ay tumigil.
Ang Japan Airport Terminal firm na nagpapatakbo ng mga terminal buildings ng Haneda, ay nakatanggap ng mga reklamo bandang 9 a.m. noong Miyerkules na ang tap water nila ay may maalat na lasa sa Terminal 1 at Terminal 2 para sa mga domestic flight.
Sinabi ng kumpanya na ito ay tumugon sa reklamo sa pamamagitan ng paghinto ng supply ng tubig upang suriin ang kalidad ng tubig.
Ang kumpanya ay nagpatuloy muli ng pag supply ng tubig sa Terminal 1 bandang 11 a.m., matapos na walang madiskubreng anumang problema sa tubig, ngunit ang supply sa Terminal 2 ay nananatiling pinatigil na nagsanhi ng pagsarado ng mga restaurants at mga tap ng tubig sa mga washbasins sa mga banyo.
Ang international flight terminal ay walang namang naging problema sa tubig.
Ang tanggapan ng transport Ministry sa Haneda Airport ay nagsabing walang epekto sa mga flight papunta at mula sa paliparan.
Ang Japan Airport Terminal ay nagtatrabaho para sa maayos at malaman ang ugat ng problema.
Join the Conversation