Ang prepektura ng Okinawa ay nagtatag ng isang taskforce para sa muling pagtatayo ng Shuri Castle, na tinupok ng apoy nuong nakaraang buwan.
Itinalaga ni Gobernador Denny Tamaki ang anim na tauhan mula sa tanggapan ng prepektura nuong Lunes. Ang nasabing taskforce ay mag-rereport nang direkta sa gobernador.
Isang sunog noong Oktubre 31 ang naganap at sumira sa pangunahing gusali ng kastilyo sa Naha City.
Inutusan ni Tamaki ang koponan na magtrabaho upang maibalik ang kastilyo nang mas maaga habang hinihingi ang pang-uunawa ng mga tao sa prepektura at sa ibang pang mga lugar.
Ang taskforce ay makikipag-ugnayan sa sentral na pamahalaan upang maibalik sa dati ang kastilyo at gumawa ng isang timetable para sa muli nitong pagpapa-tayo.
Isasaalang-alang din ang pag-gamit sa pera na ipinadala ng mga donor.
Ang isa sa mga miyembro ng koponan ng rekonstruksyon na si Takenori Chinen, ay nagsasabing nararamdaman niya ang presyon ngunit nais niyang magsikap upang matugunan ang mga inaasahan ng mga residente ng Okinawa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation