Okayama: Ang lupain kung saan sumi-sikat ang araw at ang Peach Boy

Ating silipin ang kagandahan ng Rehiyon ng Okayama.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Saang mang lugar sa Okayama, siguradong makikita ninyo ang larawan ni Momotarou.

OKAYAMA

Sa pagitan ng mga bundok ng Chugoku at mga isla sa Seto Inland Sea, makikita mo ang isa sa tatlong pinakamagagandang hardin ng Japan, ang nakamamanghang bayan ng kanal ng Kurashiki, ang bayan ng mga sinaunang seramikong Hapon at isang hindi pangkaraniwang koleksyon ng mga pista opisyal sa pandaigdig. Ang embahador ng prefecture na ito ay ang sikat na folkloric hero na Momotaro o Peach Boy at ito ang pinakamagandang lugar upang subukan ang mga milokoton o peach sa isang tila walang katapusang iba’t ibang anyo.

&nbspOkayama: Ang lupain kung saan sumi-sikat ang araw at ang Peach Boy

Binansagang lupain ng pag-sikat ng araw, ang Okayama ay isang halos pabilog na tipak ng lupa sa rehiyon ng Chugoku na halos nalalapit patungo sa isla ng Shikoku. Ang tulay ng Seto-Ohashi ay sumasakop sa limang isla sa Seto Inland Sea, na nag-uugnay sa Kojima sa Okayama hanggang sa Kagawa sa Shikoku, ito ay may isang kahanga-hangang showcase ng modernong engineering – masisiyahan ka na mag bridge-spotting sa Mount Washu o umarkila ng bangka mula sa port.

Tumungo pa sa inland makikita mo ang Kurashiki, isang tradisyunal na bayan ng mangangalakal ng Edo.  Ito ay ma-ayong tiningnan mula sa maliit na kahoy na gondolas na lumulusong  sa mga kanal na puno ng koi na tumatakbo sa lumang quarter. Ang Ohara Museum of Art sa gitna ng bayan ay ang kauna-unahan na museyo ng kanlurang sining ng Japan at nagtataglay ng kamangha-manghang koleksyon ng mga piraso ng ika-20 siglo.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund