Mga Japanese Scientists magbibigay ng babala hinggil sa kakulangan ng helium

Supply ng helium sa Japan nag babantang maubos na.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga Japanese Scientists magbibigay ng babala hinggil sa kakulangan ng helium

Napag-alaman ng NHK na ang mga siyentipiko sa Japan ay malapit na mag-isyu ng isang pahayag na emergency warning dahil sa kakulangan sa pandaigdigang helium.

Ang gas ay malawakang ginagamit sa pananaliksik at paggawa ng mga semiconductors at kagamitang medikal.Ang helium ay hindi nasusunog at ginagamit bilang isang pamplamig.

Ang lahat ng mga stock sa Japan ay imported. Ngunit ang supply sa buong mundo ay lalo nang naging mahirap mula nuong nakaraang taon.

Iyon ay pagkatapos ng US, ang pinakamalaking taga gawa sa buong mundo, ay nagsimulang magbawas sa mga pag-export nito, dahil a isang paglipat ng pribatisasyon sa industriya.

Ang mga presyo sa pag-import ng helium ng Japan ay tumaasn ng tatlong beses sa nakaraang dekada.
Sa kanilang pahayag, hihilingin ng mga siyentipiko sa gobyerno na mabilis na mag-set up ng mga kagamitan at sistema upang mai-recycle at mag-imbak ng helium.

Dapat unahin ng mga importers ang pagbibigay sa mga institusyong medikal at mga pabrika .

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund