Mga convenience store sa Japan nagbawas sa pag- gamit ng plastic

Upang maka-bawas sa isa sa problema ng ating mundo, ang plastic waste, ilan sa mga convenience store chains ay unti-unti nang tinatanggal ang mga plastic containers at straw na ginagamit sa kanilang mga paninda.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga convenience store sa Japan nagbawas sa pag- gamit ng plastic

Ang ilang mga convenience stores sa Japan ay nagsimula ng alisin ang mga plastic tulad ng mga straw at sinimulang gumamit ng eco-friendly na packaging. Ito ay isang pagsisikap na mabawasan ang mga basurang plastik.

Ang Seven- Eleven ay nagsimulang gumamit ng mga lids o takip ng baso  na hindi nangangailangan gumamit pa ng mga straw sa iced coffee at iba pang inumin. Inilunsad ng mga opisyal ng kumpanya ang pagbabago sa buwang ito at unti-unting ipakikilala ang mga bagong lids sa mga oulets nito.

Plano ng tindahan na magbigay ng mga straw na gawa sa mga eco-friendly at environmentally- friendly na materyales para sa mga customer na nais gumamit nito.

Sinabi ng isang opisyal mula sa Seven & i Holdings na ang kumpanya ay nagbebenta ng higit sa 1 bilyong tasa ng kape taun-taon. Inaasahan niya na ang pag-alis ng mga straw sa produkto ay makakabawas sa mga basurang plastik.

Ang isa pang convenience chain, ang Lawson ay nagsimula na ring alisin ang mga straw. Ang ilan sa kanilang mga tindahan ay nagsimula na ring gumamit ng mga lalagyang gawa sa  papel na hindi kaagad nasisira sa tubig at may proteksyon laban sa langis para sa kanilang mga tindang boxed lunch.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund