Ang mga operasyon sa Kansai International Airport sa Osaka ay nagambala sa pangalawang pagkakataon sa linggong dahil sa namataang bagay na tulad ng drone.
Sinabi ng operator ng paliparan na ang mga manggagawa sa paliparan ay nakita umano nang kung anong lumilitaw na isang drone na lumilipad malapit sa paliparan ilang sandali makalipas ang 8 a.m.
Sinara ng paliparan ang dalawang runway nito para sa mga inspeksyon sa kaligtasan ngunit walang nakitang drone. Nagpatuloy ang mga ito at nagpa-lipas ng halos isang oras.
Ang pagsasara ay naging sanhi ng pag-kansela ng dalawang flight ng ANA. Ang labing-pitong darating na flight ay kailangang ma-rerout sa ibang mga paliparan. Sa lahat, 27 na mga flight ang nakaranas ng pagkaantala.
Sinuspinde din ng paliparan ang mga operasyon noong Huwebes, at isang beses noong nakaraang buwan, pagkatapos ng mga ulat ng drone sightings.
Sinabi ng transport Ministry na plano nitong magsa-gawa ng hakbang ukol sa seguridad sa paligid ng mga paliparan upang matiyak ang kaligtasan.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation