Isang buwan mula nang ang malakas na bagyong Hagibis ay nagdulot ng malawakang pinsala sa maraming bahagi ng Japan. Ang bagyo na isa sa pinakamalakas na tumama sa bansa sa mga dekada ay nag-iwan ng 91 katao na patay, habang apat ang nananatiling nawawala.
Nabaha o nasira ng Hagibis ang higit sa 85,000 na mga tahanan. Ang paglilinis ay hanggang ngayo’y nangyayari pa rin, tulad ng lugar na sa lungsod ng Iwaki sa Fukushima Prefecture.
Sinabi ng isang barbero na nakatira sa distrito na siya ay nagpapagaling pa di sa natamong sugat. Sinabi din ng 81-taong gulang na ang kanyang bahay at shop ay binaha, at pinatanggal ang sahig para sa pag-aayos na aabutin ng mahabang panahon.
Sinabi niya, “Isang buwan na ngayon, ngunit hindi ko pa din mabuksan muli ang aking tindahan. Ang aking lugar ay napaka-gulo pa din at wala din akong lakas upang bumalik sa trabaho.”
Noong Lunes, ina-update ng mga opisyales ng Land and Infrastructure Ministry ang lawak ng pagkasira ng Hagibis.
Halos 300 na mga ilog ang umaapaw at hindi bababa sa 25,000 ektarya ng lupa ang binaha.
Nakita rin sa Silangan at Hilagang Japan ang pagbagsak ng mga puno.
Kinumpirma ng mga opisyal na higit sa 850 na mga kaso ng pagguho ng lupa at mudslides ang naitalaga – ang pinakamalaking bilang na naitala mula noong 1982.
Kasama sa mga susunod na hakbang ng pamahalaan ang pagsusuri sa patakaran sa pag-iwas sa kalamidad. Susuriin din ng mga opisyal ang mga kasalukuyang hakbang sa imprastruktura batay sa pinakabagong mga naging pinsala.
Source: NHK World
Join the Conversation