Emperor at Empress binisita ang Inner Shrine ng Ise

Emperor at Empress binisita at sumamba sa Inner Sacred Palace sa Ise upang bigyang pugay ang Diyosa ng Araw na pinagmulan umano ng lahi ng mga Emperor base sa mga alamat.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspEmperor at Empress binisita ang Inner Shrine ng Ise

Natapos na ang dalawang araw na pag-dalo nina Emperor Naruhito at Empress Masako ng mga seremonya sa Ise Shrine sa Central Japan upang markahan ang pagkumpleto ng mga pangunahing ritwal na nagsasaad ng pagupo sa trono ng Emperor.

Ang Emperor, na nakasuot ng isang tradisyunal na balabal, ay nag-lakbay sakay ng isang karwahe na hinihila ng kabayo noong Sabado ng umaga sa Inner Shrine. Ito ay alay para sa Diyosa ng Araw, ang ninuno ng pamilya ng Imperial ayon sa alamat.

Ang Emperor ay sinamahan ng mga Chamberlain na nagdala ng dalawa sa tatlong uri ng Imperial Regalia na pangunahing sagradong bagay mula sa palasyo. Nag-alay siya ng bugkos ng tangkay mula sa isang sagradong puno at sumamba sa dambana.

Ang Empress ay dumating sakay ng isang kotse dahil siya ay may alerdyi sa kabayo. Ang Empress ay naka-suot ng isang ceremonial kimono na may tradisyonal na hairstyle, ang Empress ay sumamba sa main sacred palace.
Ang mag-asawa ay babalik sa Tokyo nitong Sabado.

Maglalakbay sila sa Nara at Kyoto sa susunod na linggo upang bisitahin ang mga mausoleums ng mga nakaraang emperador.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund