MIYAGI (TR) – Inaresto ng Miyagi Prefectural Police ang isang 44-anyos na lalaki matapos mapag-alaman na ito ay nakatira kasama ang bangkay ng kanyang ama sa Lungsod ng Iwanuma noong Linggo, ulat ng Sankei Shimbun (Nob. 5).
Bandang alas-11:00 ng umaga, isang kakilala ang ama ni Shigeki Hatakeyama ang dumalaw sa tirahan nito, na matatagpuan sa lugar ng Kuwabara.
Matapos mapansin ang isang akumulasyon ng mga sulat sa mailbox at kumpol ng mga langaw, agad na inalertuhan nito ang pulisya. Ang mga opisyales na dumarating sa lugar ay natagpuan ang walang buhay na katawan ng ama ni Hatakeyama na may edad na 71 at walang tinamong ano mang panlabas na sugat o pinsala.
Nuong Lunes, inakusahan ng pulisya si Hakateyama, na walang kilalang bilang walang trabaho, sa pag-iwanan ng isang bangkay. “Matapos mamatay ng aking ama, iniwan ko lamang siya ng ganon,” ayon sa pahayag ng suspect sa Iwanuma Police station habang inamin ang mga akusasyon laban sa kanya.
Ayon sa pulisya, kasama ni Hatakeyama sa tirahan ang kanyang ina.
Bilang karagdagan sa paghahanap ng isang motibo para sa krimen, iniimbestigahan ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay nito.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation