TOKYO
Ang pinakahuling isla ng Japan, ang Kyushu ay isang diverse region, na binubuo ng pitong prepektura, ang Fukuoka, Nagasaki, Saga, Miyazaki, Oita, Kagoshima, at Kumamoto.
Ang maaraw at tropical vibes ay sumasalamin sa kahabaan ng mga high-rise urvan landscape, emerald rice paddies at kahit isang nagniningas na aktibong bulkan sa gitna ng dagat, na nagiging palaisipan ang kagandahan ng tanawin na nababalutan ng malamig na simoy ng hangin na dala ng panahon ng tag-lagas.
Huwag mag-alala, dahil ang tag-lagas sa Kyushu ay ang may taglay na kamangha-manghang tanawin at ito ay kilalang lugar sa buong hilagang parte ng bansa.
Ang mga dahon ng mga puno dito ay kabilang sa mga huling mahulog o nalalagas sa buong bansa at nangangahulugang mayroong maraming oras upang magplano ng isang paglalakbay upang maka-abot sa mga nakamamanghang lugar na dito.
Prepektura ng Fukuoka
Ang Fukuoka Castle Ruins
Bagaman isa ito sa pinaka-sikat sa cherry blossom viewing, ang Fukuoka Castle Ruins (Maizuru Park) ay may sarili din ipagmamalaki at ito ay tuwing panahon ng taglagas. Salamat sa mga kulay gintong puno ng gingko at momiji sa kalapit na hardin. Ito rin ay isang magandang lugar upang makatakas mula sa matao at maabalang pamumuhay sa nakapaligid na Lungsod ng Fukuoka na makikita mula sa tuktok ng castle ruins.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation