Ang mga data ng GDP sa Timog Silangang Asya ay nag resulta ng magkahalong suliranin

Mga bansang nagdurusa ang ekonomiya dahil sa patuloy na labanan pang ekonomiya ng Estados Unidos at Tsina.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng mga data ng GDP sa Timog Silangang Asya ay nag resulta ng magkahalong suliranin

Ang Vietnam ay lumilitaw na nakaramdam ng pag-bagsak sa ekonomiya mula sa nangyayaring labanang pangkalakalan ng US at China na nag-iwan sa pag-hihikahos ng ekonomiya ng mga iba pang kalapit na bansa.

Ang mga datos mula sa anim na pangunahing bansa sa Timog Silangang Asya ay nagpapakita na ang ekonomiya ng Indonesia – ang pinakamalaking rehiyon – ay pinalawak ng 5.0 porsyento taon-taon sa panahon ng Hulyo-hanggang Setyembre. Ito ang pangatlong magkakasunod na quarter ng pagbagal ng paglago.

Ang ekonomiya ng Malaysia ay lumago ng 4.4 porsyento, bumaba ng 0.5 porsyento na punto mula sa nakaraang tatlong buwan. Ang Singapore ay nakarehistro ng 0.1 porsyento sa pag-lago, hindi nagbago mula nuong nakaraang quarter.

Ang GDP ng Thailand ay nakakita ng isang bahagyang pagpapabuti, ngunit nanatiling mabagal sa 2.4 porsyento.

Ang mga bansang ito ay nahihirapan, pangunahin dahil sa matumal na pag-export sa China sa gitna ng patuloy na digmaang pangkalakalan at pagbagal ng pandaigdigang ekonomiya.

Samantala, ang paglaki ng Vietnam ay bumilis sa 7.3 porsyento sa panahon, dahil ang mga global manufacturer ay ini-rerelocate ang kanilang mga base ng produksyon mula sa China patungong Vietnam.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay tumaas ng 6.2 porsyento, pataas ng 0.7 point mula sa nakaraang quarter, dahil sa higit sa pagtaas ng gastusin sa gobyerno.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund