Ang isang pagbabawal sa domestic trade ng dalawang species ng otters ay ipinatupad na sa Japan upang maprotektahan ang mga endangered na hayop.
Ang hakbang ay alinsunod sa pag-apruba noong Agosto ng Convention sa International Trade sa endagered species na ipag-bawal ang internasyonal na komersyal na kalakalan ng mga otters.
Ang mga ito ay Asian small-clawed at smooth-coated otter, na nagmula sa Timog at Timog Silangang Asya. Ang mga ito ay kamakailan-lamang naging tanyag bilang mga alagang hayop sa Japan.
Kinakailangan ng binagong batas na ang mga otters na na-import bago ang pagbawal pati na rin ang mga domestically-bred otters ay ma-ulit-irehistro para ibenta o ilipat sa loob ng bansa.
Kung nais ng mga may-ari na panatilihin ang mga hayop bilang mga alagang hayop, hindi kinakailangan ang pagrehistro.
Sinabi ng mga opisyal ng Environment Ministry na magsisikap silang ipaalam sa mga tao ang mga bagong paghihigpit upang hindi sila lumabag nang hindi nila alam.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation