40% ng supplements hindi nakapasa sa body solubility test ng gobyerno at natagpuang hindi epektibo

Lumitaw na ang isang malaking proporsyon ng mga dietary supplement ay maaaring hindi epektibo, pagkatapos ng higit sa 40% ng 100 na mga uri ng produkto ang sinubukan ng National Consumer Affairs Center ng Japan. #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp40% ng supplements hindi nakapasa sa body solubility test ng gobyerno at natagpuang hindi epektibo

TOKYO – Lumitaw na ang isang malaking proporsyon ng mga dietary supplement ay maaaring hindi epektibo, pagkatapos ng higit sa 40% ng 100 na mga uri ng produkto ang sinubukan ng National Consumer Affairs Center ng Japan.

Sa test na isinagawa, natagpuan na hindi natunaw sa tubig sa loob ng itinakdang limit na oras na nakasaad para sa mga supplements.

Ang mga produktong pharmaceutical ay dapat na matunaw sa tubig sa loob ng 30 minuto kung sila ay hard at uncoated tablet. Ang mga coated ng  asukal o iba pang mga solusyon ay dapat matunaw sa katawan sa loob ng 60 minuto, at ang mga kapsula ay dapat matunaw sa loob ng 20 minuto.

Ngunit sa katapusan ng mga test nagpakita na ang 42 na mga produkto ay hindi natunaw sa loob ng mga limitasyon na oras. Ang mga uncoated na tablet ay nai-post na partikular na hindi maganda ang resulta, na may 14 sa 26 na hindi natunaw sa nakatakdang oras.

Si Satoshi Ono, pinuno ng clinical research center sa Shimane University Hospital, ay nagsabi, “Kung ang mga suplemento ay hindi na absorb ng katawan at lumabas lamang sa katawan, iyo ay parang pagbe-betray sa tiwala ng mga customer, na inaakala ay buong potensyal ng mga benefits mula sa mga supplement ang makukuha nila.

Ang mga gumagawa ng mga produktong ito ay dapat magpakita ng katibayan na ang mga epektibong sangkap nito ay lubusang tama,  matutunaw at maa-absorb ng katawan. ”

Source: Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund