TOKYO (Kyodo) – Ang mga Dignitaryo ay naupo para sa isang handaan ng tradisyonal na Japanese “washoku” na pagkain noong Martes ng gabi sa Imperial Palace kasunod ng seremonya ng enthronement ni Emperor Naruhito, na may mga espesyal na plato para sa mga panauhin na may partikular na pakain para sa kanilang diet.
Ang menu para sa halos 450 na mga bisita kasama ang mga dayuhang dignitaryo sa palasyo ng statei-Den ng emperial palace ay nagtatampok ng inihaw na seabream, salt steamed abalone, at isang sopas ng Japanese na may lobster at “matsutake” na mushrooms.
“Nais naming masiyahan ang aming mga panauhin pagkain mula sa mga bundok at dagat,”
Bilang pagsasaalang-alang ng mga panauhin mula sa magkakaibang mga background, ang mga pagkaing halal ay inihanda para sa mga panauhang Muslim, at ang mga chef ay nag substitute ng soy skin para sa karne ng baka para sa mga vegetarian.
Para sa mga panauhin na hindi pamilyar sa lutuing ng Japan, ang mga pagkaing Western tulad ng karne ng baka at asparagus ay inihanda din.
Ang listahan ng alak ay binubuo ng 2011 Corton-Charlemagne at 2007 Chateau Margaux pati na rin ang Japanese sake, kasama ang mga panauhin ay tumatanggap din ng mga regalo ng mga kahon ng bonbonniere na naglalaman ng confectionery.
Tatlong iba pang mga “Kyoen no gi” na banquet ang naka-iskedyul para sa Biyernes, Oktubre 29 at 31 upang ipagdiwang ang enthronement ng emperador, na umakyat sa trono noong Mayo 1.
Isang kabuuan ng 2,600 na mga bisita ang inaasahan na dadalo sa apat na mga kainan, ayon sa ahensya.
Source: Mainich.jp
Join the Conversation