Ang mga nag-aalaga ng mga cattle o baka sa hilagang isla ng Japan, ang Hokkaido ay nag-nanais na palakasin ang export ng wagyu beef sa Middle East. Sila ay nagpo-promote ng iba’t-ibang Halal Japanese meat na inaasahan nilang maka-kukuha ng maraming mamimili.
Ilang mga katauhan sa industriya ang sumama sa mga Japanese Chef upang magsa-gawa ng isang tasting event sa Dubai.
Makikita ng mga panauhin kung paano hinihiwa ang mga wagyu beef. Sila rin ay maaaring maka-tikim ng wagyu sushi.
Ngayong taon, ang Hokkaido meat producer ay nag-simula na ng full-scale shipping ng wagyu sa Unite Arab Emirates na ipinoroseso alinsunod sa Islamic Dietary Law. Hangad nila na kilalanin ng mga restaurateurs ang kanilang pag-sisikap.
Si Noboru Inoue, ang lider ng kumpanya mula sa Hokkaido na nagpo-produce ng wagyu, ani nito importanteng mapasok nila ang internasyonal na merkado upang matugunan ang matumal bentahan sa lokal na merkado. Dagdag pa nito ang wagyu ay available lamang sa bansang Japan, kung kaya’t nais nila itong ipakilala sa mundo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation