Ang pulisya sa Yamanashi Prefecture, kanluran ng Tokyo, ay nagsabing tinapos na nila ang kanilang operasyon ng paghahanap sa isang 7 taong gulang na batang babae na nawawala mula sa isang camp site noong nakaraang buwan.
Si Misaki Ogura, isang elementarya na first grader mula sa lungsod ng Narita, Chiba Prefecture, ay nawala mula sa isang camp site ng Doshi noong Setyembre 21.
Noong Linggo, inihayag ng pinuno ng lokal na istasyon ng pulisya ang pagtatapos ng malawakang mga aktibidad sa paghahanap para sa batang babae. Aniya, patuloy na itutuloy ng pulisya ang kaso na may pagtuon sa pangangalap ng impormasyon.
Walang natagpuan ang mga nagse search sa ngayon, sa kabila ng mga pagsisikap sa paghahanap ng kabuuang 1,700 na mga opisyal ng pulisya, mga bumbero at mga tauhan ng self defence force.
Source: NHK World
Join the Conversation