AICHI (TR) – inaresto ng Aichi Prefectural Police ang isang 28 anyos na lalaki dahil sa pag-babasag umano nito ng windshield ng isang kotse sa kalsada ng Toyoake City, mula sa ulat ng Fuji News Network (Oct. 18).
Bago sumapit ang ika-1 ng hapon nuong Oct. 16, si Takashi Kizaki, walang trabaho ay paulit-ulit umanong kinalampag ang windshield ng kotse na minamaneho ng 51 anyos na ginang na taga-Nagoya na nag-sanhi sa pagka-basag nito.
Mula sa kuha ng dash cam ng ginang, makikita si Kizaki na naka-suot ng puting t-shirt at blue jeans na biglang sumugod sa kotse mula sa isang crosswalk at tinalunan ang hood ng sasakyan. At nang tinignan niya ang salamin makikita na siya ay may hawak na maliit na bato sa kanyang kanang kamay.
Si Kizaki na kinasuhan ng property damage ay umamin sa paratang sa kanya. Sinabi nito na “Na irita ako dahil sa aking sakit.”
Matapos ang insidente, ini-release ng mga pulis ang kuha sa dash cam sa publiko sa pag-asang mahuli ang suspek.
Nuong gabi ng Oct. 17, si Kizaki ay dumating sa police box upang sumuko. Kasama niya ang kanyang magulang nang makita ang video clip.
Ilang minuto ang naka-lipas matapos ang insidente, si Kizaki ay pinaniniwalaang tumakbo sa harapan ng isa pang kotse na minamaneho ng isang 46 anyos na ginang mula sa Toyoake, at sinipa nito ang harapang license plate ng kotse.
Wala naman tinamong pinsala ang dalawang ginang sa nasabing insidente, ayon sa mga pulis.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Video: Youtube
Join the Conversation