Share
Sinabi ng Japan’s Cabinet Office na mayroong 5,513 katao sa 13 Prepektura ang kasalukuyang nasa evacuation facilities ngayong 5:00 ng umaga nitong araw ng Martes matapos sumalanta ang bagyong Hagibis sa bansa nitong weekend.
Ang prepektura ng Fukushima sa northeastern Japan ang may pinaka mataas na bilang ng mga residenteng nagsi-likas, ang bilang ng mga residenteng naiwan sa 67 na pasilidad ay nasa 2,101 pa. Sumunod dito ay sa prepektura ng Nagano sa northwest ng Tokyo sa bilang na 1,268 habang ang prepektura ng Miyagi sa hilagang bahagi ng Fukushima ay may bilang na 897.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation