Ang National Center of Child Health and Development at ang National Cancer Center Japan ay nagtipon ng data mula sa higit sa 800 mga ospital sa buong bansa. Sinuri nila ang data ng mga pasyente na may cancer noong 2016 at 2017.
Mayroong 57,788 mga pasyente ng cancer sa ganoong edad at 44,946, o halos 78 porsiyento, ay mga kababaihan.
Habang sa mga matatanda naman, karamihan sa mga pasyente ng kanser ay mga kalalakihan.
Humigit-kumulang 35 porsyento ng mga pasyente ng kanser sa pangkat ng edad na iyon ay nasuri na sa mga unang yugto ng cervical cancer o kanser sa suso.
Si Kimikazu Matsumoto ng National Center for Child Health and Development ay nabanggit na maraming mga babaeng pasyente sa grupong iyon ay abala sa trabaho at pamilya.
Sinabi niya na ang mga serbisyong medikal at isang support system para sa kanila ay kinakailangan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation