Mahigit 2,000 katao ang dumalo at nag-participate sa parada ng sinaunang kapitolyo ng Japan, sa Kyoto. Ito ang isa sa major Festival ng lungsod.
Ang Jidai Matsuri o Festival of the Ages, ay nag-simula nuong 1895 upang bigyang pugay ang ika-1,100th na anibersaryo ng paglipat ng kapitolyo sa Kyoto.
Ang pista ay kinukunsiderang ikatlong major festival sa lungsod kabilang ang Aoi Festival tuwing Mayo at Gion Festival tuwing Hulyo.
Ang mga kasali sa parada ay mga naka-costumes na nagpapa-kilala sa bawat era sa kasaysayan ng Japan, mula Heiyan period na nag-simula nuong 18th century, hanggang Meiji era na nag-simula nuong 19th century.
Sila ay pumarada nang na aayon sa pagkaka-sunod sunod.
Kabilang roon ay ang mga taong naka suot ng mga kilalang katauhan nuong unang panahon.
Ang kapistahan ay idinarais tuwing ika-22 ng Oktubre taon-taon, ngunit pinalitan ang petsa ngayong taon upang maka-iwas sa kumplikasyon sa enthronement ceremony ni Emperor Naruhito.
Mahigit 60, 000 katao ang nag-tipon tipon sa kalsada mula sa Kyoto Imperial Palace patungo sa Heian Jingu Shrine na may 4.5 kilometers ang layo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation