Tinanggihan ng Chief Cabinet Secretary, Yoshihide Suga ang kahilingan ng North Korea para sa kabayaran kasunod ng pagbangga sa pagitan ng mga barko mula sa dalawang bansa sa Sea of Japan.
Ang isang sasakyang pandagat ng Japanese Fisheries Agency at isang bangka sa pangingisda ng North Korea ay nagbanggaan sa eksklusibong zone ng ekonomiya ng Japan mula sa Ishikawa Prefecture noong Oktubre 7. Ang bangka ng North Korean ay lumubog ngunit nakaligtas ang mga crew at isinakay ang mga ito sa isa pang barko ng North Korea.
Sinabi ng North Korea noong Sabado na ang buhay ng mga miyembro ng crew ay nanganganib. Hiniling nito na magbayad ang Japan sa mga pinsala at gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pareahong sitwasyon.
Sinabi ni Suga sa mga mamamahayag noong Martes na ang Japan ay hindi mapagbibigyan ang hinihiling ng Hilagang Korea at mabilis na nag-file ng protesta sa Pyongyang sa pamamagitan ng mga diplomatiko paraan sa Beijing.
Dagdag pa niya, isinasaalang-alang ng gobyerno kung kailan ilalabas nito ang video footage ng banggaan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation