Share
Isang tea party ang isasa-gawa para sa mga pangunahing bisita mula pa sa ibang bansa na dadalo sa enthronement ceremony ni Emperor Naruhito sa October 22.
Sina Emperor Naruhito at Empress Masako ang mamumuno sa tea party sa kanilang tahanan, ang Akasaka Palace.
Maraming miyembro ng Royal Family labilang si Prince Charles ng Britain ang inaasahan na dadalo mula sa mga dayuhang panauhin mula sa 195 na bansa.
Sa isasa-gawang tea party, ipapagayag ng Emperor at Empress ang kanilang pasasalamat sa pagdalo at pag-bati ng mga panauhin sa kanilang pamumuno.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation