Isang Pilipino ang naaresto kaugnay sa isang nakawan sa pachinko parlor

Isang pinoy arestado dahil sa pagkaka dawit nito sa isang nakawan sa pachinko parlor sa Yokohama City.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KANAGAWA (TR) – 5 katao ang inaresto ng Kanagawa Prefectural Police kabilang ang isang Pinoy, ito ay may kaugnayan sa nakawang nangyari sa isang Pachinko Parlor sa Yokohama City nitong taon, ayon sa ulat ng TBS News (Sept. 30)

Bandang alas-10:50 ng umaga nuong ika-10 ng Abril, 3 katao ang nanloob sa kuhaan ng premyo ng nasabing shop at sinuntok ang 71 taong gulang na lalaking part-time employee sa mukha.

Matapos makuha ang hindi hihigit sa 12 milyong yen na cash, ang mga ito ay agad nang nagsi-takas. Ang matandang empleyado ay hindi naman nagtamo ng matinding pinsala, ani ng mga pulis kamakailan.

Ryu Lobenaria (Twitter)

Inaresto ng mga pulis si Ryu Lobenaria, isang 21 anyos na pintor na naka-tira sa Fujisawa City at 4 pang kabataan na nag-eedad sa 16 hanggang 19 anyos. “Hindi ako ang may sala.” ani umano ni Lobenaria sa mga pulis habang itinatanggi ang mga ipinaparatang sa kanya. Samantalang ang 4 na kabataan ay tumangging magbigay ng pahayag.

 

Lumitaw ang mga mga katauhan ng mga person of interest dahil sa ipinalabas na kuha ng CCTV Camera.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis kung ang mga suspek ay may kinalaman o kaugnayan rin sa mga nakawan sa ilang mga pachinko parlos sa prepektura sa lugar.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund