Isang naaagnas na katawan ang nakita sa loob ng isang maletang itinapon sa ilog

Isang naaagnas na bangkay ang natagpuang naka-silid sa isang maleta na itinapon sa ilog.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI (TR) – kasalukuyang nag-sasagawa ng imbestigasyon ang Aichi Prefectural Police matapos matagpuan ang isang naaagnas na katawan sa loob ng isang maleta na itinapon sa ilog sa lungsod ng Nishio nuong Miyerkules, ayon sa ulat ng NHK (Oct. 3)

Bandang ala-1:30 ng hapon, isang manggagawa na taga-gupit ng damo sa kahabaan ng Yahagifuru River sa Ugaikechi ang nag-report na “may masangsang na amoy na nanggagaling sa loob ng maleta.” na nakita nila sa pampang ng ilog.

Ang mga opisyal na rumesponde sa lugar ang nakakita sa bangkay na nasa loob ng pulang maleta, na may sukat na 70 cm ang taas, 50cm ang lapad at 30cm ang kapal.

Isang kalansay ang natagpuan sa loob ng isang maleta na itinapon sa ilog sa lungsod ng Nishio nitong Miyerkukes . (Twitter)

Hindi na malaman ang kasarian ng naaagnas na katawan. Ito ay pinaniniwalaang pumanaw ilang buwan na ang nakararaan, ani ng mga pulis

Ang maleta ay nakita bandang 10 metro sa ibaba ng kalsada. Ang lokasyon ay mahigit 2 km silangan ng Fukushi Station ng Meitetsu Nishio Line.

Kabilang sa pagkilala sa bangkay ay ang pag-iimbestiga ng pulis ukol sa sanhi ng pagka-matay nito. Ang kaso ay tinatratong pag-abandona sa isang bangkay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund