Isang lalaki nalaman ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng repleksyon nito sa mata

Isang masugid na taga-hangang lalaki ng isang babaeng idolo, natuntun ang tirahan ng biktima at saka inasulto ito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang lalaki nalaman ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng repleksyon nito sa mata

Ang 26 anyos na si Hibiki Sato ay na sintensyahan nuong Martes dahil sa pag-atake sa isang babae (20).

Tinakpan umano ni Sato ang bibig ng babae mula sa likuran gamit ang isang tuwalya habang ito ay pabalik sa kanyang condominium sa Tokyo nuong gabi ng Sept. 1. Hinatak ng suspek ang biktima pababa, inatake niya ito at saka nagka-pinsala ang biktima.

Sinabi ni Sato na siya ay taga-hanga ng biktima. Sinabi umano ni Sato sa mga pulis na nagkaroon siya ng clue kung saan nakatira ang biktima mula sa isang larawan na nagpapa-kita ng repleksyon ng isang train station sa kanyang mga mata.

Sinabi ni Sato na ginamit niya ang serbisyo ng Google Street View upang malaman ang istasyon mg tren, kung saan niya ito inantay at saka sinundan

Nalaman din ni Sato sa kung saan nakatira ang babae sa pamamagitan ng mga video na ipinost nito sa kanyang social media na nagpapakita ng kanyang kurtina at ang sikat ng araw  na tumatagos mula sa kanyang bintana.

Si Shuichiro Hoshi, isang propesor sa Tokyo Metropolitan University ay isang eksperto pag-dating sa risk ukol sa social media.

Sinabi nito na ang mga kamera sa mga smartphone ay masyado nang advance at minsan ito ay magleleak ng mga personal ninyo impormasyon.

Payo niya sa mga social media users upang maiwasan ang ganitong insidente, iwasan na kumuha ng litrato na nag-bibigay ng inyong personal na impormasyon o gawing hindi gaanong nalinaw ang mga imahe upang maiwasang maging target ng digital stalker.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund