TOKYO- inaresto ng mga pulis sa Nagano ang 45 anyos na pugante, ito ay naging takas mula nang hindi ito bumalik at nag-report sa detention center nuong ika-1 ng Oktubre.
Ang wanted na si Shin Takashi ay naaresto bandang alas-2:00 ng tanghali nitong Sabado kasama ang 29 anyos na babae na kinilalang si Emiri Kidokoro sa isang hotel sa Nagano City, ayon sa ulat ng Fuji T.V.
Nuong buwan ng agosto, si Takashi ay na-convict sa kasong blackmail at na sentensyahan ng 18 bueang pagkaka-bilanggo ayon sa Tachikawa branch ng Tokyo District Court, isang ruling na nais niyang mapagaan.
Nuong umaga ng october 1, si Takahashi ay nabigyan ng permisyon na lisanin ang Tachikawa Detention Center, kung saan siya ay naka-piit. Ito ay para maka punta sa isang pagamutan sa Kodaira sa loob ng 3 oras lamang upang makapag-pagamot. Kasama nito ang 2 guarantor at ang isa rito ay si Kidokoro. Ngunit hindi naman ito sumipot sa pagamutan.
Source: Japan Today
Image: (Twitter)
Join the Conversation