Inihayag na ang mga nanalo ng tiket sa Tokyo Paralympics

Inihayag na ang mga makakakuha ng tiket sa Tokyo Paralympics

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspInihayag na ang mga nanalo ng tiket sa Tokyo Paralympics

Ang mga tao sa Japan na nag-apply para sa mga tiket para sa Tokyo Paralympic Games sa susunod na taon ay maaaring malaman kung sila ay dadalo.

Ang mga nag organisa ay nai-post na ang mga resulta sa website ng tiket nitong Miyerkules.

Sinabi nila na ang pag-anunsyo ay nasuspinde pansamantala dahil sa mga computer malfunctions na nakakaapekto sa bilang ng mga aplikante.

Sa pamamagitan ng pag-log in sa isang web page gamit ang kanilang mga rehistradong personal na mga ID, ang mga nag-apply para sa mga tiket ay inaalam kung nanalo ba sila o nawala sa loterya.

Ang matagumpay na mga aplikante ay sinabihan din kung gaano karaming mga tiket ang kanilang napanalunan para sa bawat event at kung magkano ang kailangan nilang bayaran.

Ang mga pagbili ay dapat gawin hindi lalampas sa 11:59 p.m. ng Oktubre 15, oras ng Japan.

Noong nag-bid ang Tokyo para sa Olympics, gumawa ito ng halos 2,3 milyong mga tiket upang ibenta.

Ang mga taga organisa ay hindi inihayag sa publiko ang bilang ng mga tiket na nabili o napili. Sinabi lamang nila na nakatanggap sila ng 1.35 milyong mga nag-access sa website ng tiket bago ang deadline sa aplikasyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund