Inaresto ng Tokyo Police ang isang Chinese national dahil sa hinala na illegal na pag-gamit ng mga taxi para sa mga turistang chinese na bumibisita sa Japan.
Sinabi ng pulisya na ang 37-taong-gulang na residente ng Tokyo na si Sun Taiwu, ay pinaghihinalaang nagpapatakbo ng iligal na negosyo gamit ang mga may-ari ng pribadong sasakyan sa pagitan ng Abril noong nakaraang taon at nitong Enero.
Tatlong iba pang mga chinese ang naaresto din sa hinala na nagtatrabaho bilang mga driver para kay Sun.
Sinasabi na si Sun ay gumagamit ng isang Chinese ride-hailing app, Huangbaoche, o “Hi Guides.”
Ayon sa pulisya si SUn ay mayroong 50 driver na nagdadala ng mga turista patungo at mula sa Haneda Airport at iba pang mga lokasyon.
Nakumpiska nila ang isang record na nagpapakita kita ni Sun sa negosyo na umaabot ng halos 100,000 dolyar mula sa 960 na rides sa isang buwan na pinabulaanan naman ni Sun.
Plano ng pulisya na hulihin ang mga hindi lisensyadong mga taksi na ginagamit sa mga paliparan at mga pamamasyal sa Japan. Ngunit ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad ay mahirap na tuklasin dahil ang pag-book at pagbabayad ay ginagawa online, at ang mga pasahero ay hindi nagbabayad ng aktwal sa driver.
Ayon sa imbestigasyon ang mga kahina-hinalang driver ay nagsasabi sa mga opisyal na sila ay tumutulong lamang sa mga kaibigan na dumadalaw sa Japan at hindi tumatanggap ng anumang pera.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation